top of page

Inauguration Day of Elected Officials

Inauguration Day of Elected Officials
Courtesy: Taytay Public Information Office

Isang Ngiti sa Bayan, Isang Pasasalamat sa Bagong Panunungkulan.


Isang makasaysayang araw para sa ating bayan ang naganap sa isinagawang pormal na Panunumpa sa Katungkulan ng mga halal na opisyal para sa bagong termino ng panunungkulan. Pormal nang nanumpa sa kanyang ikalawang termino si Mayor Allan Martine Martine De Leon, MPA, kasama si Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at ang mga bagong halal at muling nahalal na opisyal na bubuo sa Ika-13th Sangguniang Bayan.


Ang makabuluhang seremonya ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng pamahalaan at lipunan. Kabilang sa mga naging saksi sa mahalagang okasyong ito sina Governor Nina Ynares, Board Member Philip Jeison 'Papoo' Cruz, mga kapitan ng bawat barangay, mga pamilya ng mga opisyal, at mga masugid na tagasuporta.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa harap ni Hon. Jennifer A. Santos-De Lumen, Presiding Judge ng RTC Branch 18, ay buong pusong nanumpa si Mayor Allan Martine De Leon, MPA na patuloy na maglilingkod nang tapat, may malasakit, at may ngiti sa bawat Taytayeño. Kaagapay niya sa panunumpa ang kanyang pamilya bilang suporta sa kanyang panibagong yugto ng paglilingkod.


Samantala, pinangunahan naman ni Hon. Ralph David D. So, Presiding Judge ng MTC - Taytay, Rizal, ang panunumpa ni Vice Mayor JV Cabitac at ng mga bagong miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang kanilang mga pamilya.


Bago maganap ang pormal na Inagurasyon sa Bagong Palengke, isang Misa ng Pasasalamat ang ginanap sa Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist. Pinamunuan ni Rev. Fr. Rowie Reyes ang banal na pagdiriwang, bilang pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa pagkakaloob ng panibagong mandato mula sa sambayanan.


Ang nasabing pagdiriwang ay hindi lamang isang misa ng pasasalamat, kundi isang panata na sa bawat ngiting inihahandog sa bayan, ay may kaakibat na responsibilidad at pangakong itaguyod ang kapakanan ng bawat mamamayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Ang panunumpang ito ay hindi lamang isang pormal na seremonya, kundi isang panibagong mandato sa mas makabuluhang paglilingkod. Sa ilalim ng katagang Serbisyong May Ngiti, muling maglingkod ng buong puso, makatao, may paninindigan at may ngiti.


Ito ay nagsisilbing paalala na ang pamumuno ay hindi kapangyarihan, kundi pagkakataong makapaglingkod ng may ngiti, puso, dangal, at pananampalataya.


Lagi’t-lagi para sa Diyos, Bayan, at Kababayan.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page