top of page

Inauguration and Turnover Ceremony of Taytay Emergency Hospital Annex

Updated: Dec 18, 2025

Inauguration and Turnover Ceremony of Taytay Emergency Hospital Annex
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pinangunahan nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Department of Health (DOH) OIC-Director III Region IV-A Dr. Voltaire S. Guadalupe, at Department of Interior and Local Government (DILG) Rizal Provincial Director Lionel L. Dalope ang inauguration at turnover ng Taytay Emergency Hospital Annex noong Disyembre 8, 2025.


Dumalo rin sa programa si Board Member Papoo Cruz bilang kinatawan ni Gov. Nina Ynares; Former BM Ross Glen Gongora bilang kinatawan ni Cong. Mia Ynares; Vice Mayor Jan Victor Cabitac; at ang mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan.


Ang bagong hospital annex na ito ay isa sa mga Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center ng DOH, na naglalayong magbigay ng mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat lalo na sa mga kababayan natin sa Floodway, San Lorenzo at Lupang Arenda.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Inaasahang makatutulong ang bagong ospital na ito para mabawasan ang siksikan sa Taytay Emergency Hospital (Main) at mas mapabuti pa ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan.


Narito ang mga kasalukuyang serbisyong handog ng Taytay Emergency Hospital – Annex at kanilang iskedyul:


  • Laboratory Services (CBC, Platelet Count, Urinalysis, Fecalysis)

  • ECG

  • Pharmacy

  • Outpatient Medical Check-Up

  • Dental Services

  • Animal Bite Treatment Center

  • Prenatal Check-Up

  • HIV Awareness and Confidential Testing

— available tuwing Martes at Huwebes


Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa lahat ng partner agencies, stakeholders, at health frontliners na naging katuwang para maisakatuparan ang proyektong ito.


Habang patuloy na umuunlad ang Taytay, ang pagkakatayo ng Taytay Emergency Hospital Annex ay patunay ng dedikasyon ng LGU at mga lider nito na unahin ang kalusugan at kapakanan ng bawat Taytayeño.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page