Inaugural Session of the 13th Sangguniang Bayan
- Taytay, Rizal
- Jul 2
- 1 min read

Pagakatops ng pormal na inagurasyon sa Bagong Palengke, pinangunahan ni Vice Mayor Jan Victor Cabitac ang ginanap na Inaugural Session ng ika-13th Sangguniang Bayan nitong nakaraang Hunyo 30, 2025 sa Taytay Municipal Hall Atirum. Dinaluhan ito ng mga bagong halal na miyembro ng Sangguniang Bayan, kani-kanilang pamilya at mga department heads.
Sa pagbubukas ng sesyon, binigyang-diin ni Vice Mayor JV Cabitac ang kahalagahan ng pagkakaisa, transparency, at epektibong paglilingkod sa bayan.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Isa-isang ipinakilala ang mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan. Ang bawat isa ay nagpahayag ng kanilang mensahe ng pasasalamat sa pamamagitan ng kani-kanilang privilege speech. Inilahad rin nila ang kanilang mga hangarin, prayoridad, at mga panukalang nais maisabatas para sa kapakanan ng mamamayan ng Taytay.
Sa pagtatapos ng sesyon, isang panalanging pinangunahan ng konseho ang isinagawa upang hingin ang patnubay ng Diyos sa kanilang mga tungkulin.
Mabuhay ang ika-13 Sangguniang Bayan!
Lagi't-lagi para sa Diyos, Bayan at Kababayan.
Comments