Inagurasyon ng Bagong Senior Citizen Center (OSCA)
- Taytay, Rizal
- Nov 24
- 1 min read
Updated: Nov 26

Noong ika-17 ng Nobyembre 2025, pormal na pinasinayaan ang bagong Senior Citizen Center sa 3rd Floor ng New Taytay Public Market, ang magiging bagong tanggapan ng OSCA para sa mas episyente, mas accessible, at mas maalagang serbisyo para sa ating mga lolo’t lola.
Ipinagmamalaki rin nating ibahagi na ang bagong pasilidad na ito ay itinayo mula sa SGLG Incentive Fund (IF) na napanalunan ng ating bayan noong nakaraang taon.
Dumalo sa inagurasyon sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Lionel L. Dalope, CESO V, DILG Cluster Head Engr. Jennylyne T. Alvarez-Sicat, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, Ika-13 Sangguniang Bayan at Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza,MPA. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Taytay Federation of Senior Citizen Association na buong siglang sumuporta sa bagong pasilidad na para sa kanilang kapakanan.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Maaari ring maglibang at mag-relax ang ating mga senior citizen sa ating Recreation Center, katabi ng bagong opisina ng OSCA na espesyal na idinisenyo para sa kanilang kasiyahan at libangan. Hindi rin po sila mahihirapan sa pag-access dahil may elevator, rampa sa likod, at maayos na hagdan para sa mas ligtas at mas accessible na pagbisita ng ating mga lolo’t lola.
Bagong pasilidad pero iisa pa rin ang misyon: ang maghatid ng serbisyong may ngiti para sa mga seniorito at seniorita ng ating bayan.
Lagi't-laging Para sa Diyos, Bayan at Kababayan!


























































Comments