Compressed Four-Day Work Week Arrangement in Taytay Municipal Government
- Mar 10
- 2 min read

Simula nitong March 9, 2026, ipinapatupad na ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ang 'Compressed Four-Day Work Week Arrangement', alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 s. 2026 na inilabas ng Office of the President of the Philippines - Malacañang, at Joint Office Memorandum No. 001-2026 ng Pamahalaang Bayan ng Taytay.
Ang hakbang na ito ay ipinatutupad upang makatipid sa paggamit ng kuryente, gasolina, at iba pang operational expenses ng pamahalaan, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng patuloy na sigalot sa Middle East.
Dahil dito, extended ang office hours ng mga tanggapan sa Taytay Municipal Hall upang mas mabigyan ng sapat na oras ang publiko para sa kanilang mga transaksyon.
Bagong Temporary Office Hours: Monday to Thursday, 8:00 AM - 7:00 PM

Layunin ng arrangement na ito na mapanatili ang episyente at tuloy-tuloy na serbisyo ng pamahalaan, habang nagbibigay ng mas mahabang oras para sa mga mamamayan na makapagsagawa ng kanilang mga transaksyon sa munisipyo.
Samantala, upang matiyak ang walang patid na serbisyo publiko, ang mga sumusunod na Frontline Offices at pasilidad ay mananatili sa kanilang regular working schedule: Monday to Friday, 8:00 AM – 5:00 PM.
• Municipal Health Office (MHO)
• Office of Public Safety and Security (OPSS)
• Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
• Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
• General Services Office (GSO)
• Flood Control Section
• Old Taytay Public Market (OTPM)
• New Taytay Public Market (NTPM)
• Taytay Sports Complex
• Taytay Recreation Center
• Taytay Kalayaan Park
• San Juan Gymnasium
• Fish Port Covered Court
• Municipal Fire Brigade
Pinapayuhan ang lahat na planuhin ang kanilang pagbisita sa ating munisipyo ayon sa bagong office hours.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at pang-unawa.












































Comments