High Speed Sewing Machines Beneficiaries


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Nitong nakaraang Pebrero 22, 2022, naipamahagi na sa mga naaprubahang benepisyaryo ang mga highspeed sewing machines na makakatulong para sa kanilang mga trabaho at kabuhayan. Karamihan po sa ating mga Taytayeño ay mananahi at gumagawa ng mga tela at local fabrics.


Dinaluhan ito ng ating alkalde Hon. George Ricardo Gacula II at mga miyembro ng Sangguniang Bayan / Development Team., kasama si Ms. Gianne Valerie Yupangco, focal person ng ating Gender and Development (GAD) Office ng ating pamahalaang bayan, at si Committee on Livelihood sa pangunguna ni Konsehal Elaine Leonardo.



Courtesy: Mayor Joric Gacula


Dahil sa inisiyatibong ito, naisakatuparan ang pamamahagi ng naturang sewing machines sa ating Taytayeño.


Para sa mga nais na magkaroon ng sewing machine, gumawa ng letter of request na naka-address sa ating Office of the Municipal Mayor, ito ay i - veverify ng GAD at PESO.


Maraming salamat po sa lahat ng nakasama natin upang maisakatuparan ang inisyatibong ito: kina Ms. Gianne Yupangco at Konsehal Elaine Leonardo, at sa bumubuo ng Development Team.



Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts