top of page

Healthy Bodies, Green Planet: Nutrition Month 2026 Celebration

  • Jul 28
  • 1 min read
Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Masiglang nakiisa ang mga Nutribidang Chikiting, mga kinatawan ng iba't ibang barangay, at iba pang kalahok sa pagdiriwang ng Nutrition Month ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Municipal Nutrition Office.


Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," pinasimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang makulay na parada na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan bilang magkaugnay na pundasyon ng isang malusog na pamayanan. Sinundan ito ng Nutri-Bida Costume Contest ng mga bata mula sa iba't ibang Child Development Centers, kung saan tampok ang kanilang mga malikhaing kasuotan na sumasalamin sa tema ng pagdiriwang at nagsusulong ng masustansyang pagkain at pangangalaga sa kapaligiran.



Courtesy: Taytay Public Information Office and Taytay Nutrition Office


Naging tampok din ang Nutri Cook-Off Competition, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang barangay. Ipinamalas ng bawat koponan ang kanilang husay sa paghahanda ng mga masustansya, masarap, at abot-kayang putahe gamit ang mga lokal at masustansyang sangkap, na nagpapakita ng kahalagahan ng wastong nutrisyon at responsableng paggamit ng likas na yaman.


Sama-sama tayo ngayong Buwan ng Nutrisyon at itaguyod ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas luntiang kinabukasan para sa bawat Taytayeño.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page