top of page

HaMaKa Festival 2026

Taytay's HaMaKa Festival 2026
Screenshot Courtesy: Taytay Public Information Office

Taytayeños, Handa na ba Kayo?


Isang makulay at masayang pagdiriwang ng talento, musika, kultura, at hanapbuhay na sumasalamin sa pagkakaisa, pagkamalikhain, at masiglang ekonomiya ng Taytay.


Sa bang saya at bang kulay na selebrasyon, tampok ang galing at likha ng mga Taytayeño na patuloy na nagbibigay dangal sa ating bayan.


Tampok sa darating selebrasyon ang mga obra at produkto ng mga Taytayeño, mula sa mga kasuotan, sining, at iba’t ibang likhang-kamay, ipinakita nila ang husay at malikhaing kakayahan. Ang mga lokal na produkto ay hindi lamang patunay ng talento, kundi simbolo rin ng lumalakas na kabuhayan sa Taytay.


Abangan at huwag palampasin ang mga programa, kasiyahan at kulay ng selebrasyon! Sama-sama nating ipagdiwang ang HaMaKa Festival —isang pista ng pagkakaisa, pagkamalikhain, at masiglang pamumuhay.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page