top of page

Groundbreaking Ceremony of First Cancer Center

  • Aug 19, 2025
  • 1 min read
Ground Breaking Ceremony of First Cancer Center in Taytay, Rizal
Courtesy: Taytay Public Information Office

Barangay San Isidro, Taytay, Rizal — Ginanap nitong Agosto 17, 2025 ang Groundbreaking Ceremony ng Rizal Doctors Hospital and Medical Center Cancer Center — ang kauna-unahang pasilidad para sa kanser dito sa ating bayan. Matatagpuan ito sa Ortigas Avenue Extension, Barangay San Isidro malapit sa Palmera I Subdivision.


Ang pagtatayo ng makabagong pasilidad na ito ay isang makasaysayang hakbang upang mas mailapit sa bawat Taytayeño ang de-kalidad na serbisyong medikal, lalo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng espesyal na gamutan laban sa sakit na kanser. Sa pamamagitan nito, hindi na kakailanganing bumiyahe sa malalayong ospital ang ating mga kababayan upang makapagpagamot, dahil ang serbisyo ay magiging abot-kamay na mismo sa ating bayan.


Courtesy: Taytay Public Information Office & Mayor Allan De Leon


Dumalo sa nasabing seremonya sina Congresswoman Mia Ynares, Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, Councilor Michell Bermundo, mga opisyal mula sa Pamahalaang Barangay San Isidro, mga opisyal at kinatawan ng Rizal Doctors Hospital and Medical Center, at iba’t ibang katuwang na institusyon na nagsusulong ng mas malawak at mas makabagong programang pangkalusugan.


Isang patunay ang proyektong ito na ang kalusugan ay isang pangunahing puhunan tungo sa masigla, mas ligtas, at mas maunlad na komunidad.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page