top of page

From Training to Employment: Job Start PH Program 2026 and MOA Signing Ceremony.

  • May 7
  • 1 min read

Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Limampu’t limang (55) benepisyaryo ng JobStart Philippines Program sa Bayan ng Taytay ang matagumpay na nagtapos ng 10-day Life Skills Training na ginanap nitong Mayo 6, 2026.


Sa ikalawang taon ng implementasyon sa ating bayan, patuloy na umaangkop ang programa sa pangangailangan ng komunidad at ng industriya—mula sa dressmaking training noong nakaraang taon, patungo sa information and technology ngayong taon.


Sa 55 graduates, 22 ang magpapatuloy sa technical training sa Computer Systems Servicing NC II, habang ang 33 ay sasailalim sa scholarship ng Technical Education and Skills Development Authority para sa parehong kurso.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Kasabay din sa naturang pagtatapos ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony, na pinagtibay ang partnership sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at Department of Labor and Employment sa Trent Information First Technical Career Institute, Inc. bilang training partner, at Tech Net 88 Solutions Inc. bilang internship partner upang higit pang palakasin ang skills at employability ng mga kabataang Taytayeño.


Patuloy ang pagsulong ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ng mga programang naglalayong hubugin ang kakayahan ng kabataan at magbukas ng mas maraming oportunidad tungo sa matatag at disenteng hanapbuhay.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page