From the Garment Capital to a Champion of Sustainable Fashion
- Taytay, Rizal
- Nov 6
- 1 min read
Updated: Nov 7

Taytay proves that style and sustainability can go hand in hand!
Sa pangunguna ng UNIDO Philippines, katuwang ang Asian Development Bank, GEF, kasama ang BAYO Manila Foundation, Department of Science and Technology - Philippine Textile Research Institute (PTRI), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Taytay, ibinahagi kina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac at sa mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan ang mga inisyatibo tungo sa circular textile economy — kabilang ang upcycling ng textile waste, paggamit ng Philippine Tropical Fabrics, at pagsuporta sa Garments Code of Taytay.
Layunin ng programang ito na gawing modelo ang ating bayan sa sustainable textile revolution kung saan ang bawat sinulid ay simbolo ng pagbabago, malasakit, at pag-unlad.
Courtesy: DOST- PTRI and Taytay Public Information Office
Sa pamamagitan ng Philippine Tropical Fabrics, sinusuportahan din ng ating bayan ang paggamit ng lokal, natural, at eco-friendly fibers gaya ng piña, abaca, at banana fabric — isang pride ng produktong Pilipino!
Tinatayang nasa 80% ng kabuhayan sa Taytay ay nakaugnay sa industriya ng pananahi at paggawa ng damit. Araw-araw, nasa toneladang textile waste ang nagmumula sa mga garments hub — kaya’t malaking hakbang ang mga proyektong ito tungo sa mas maayos na waste management.
Taytay’s textile journey is evolving, from fast fashion to responsible creation, from waste to worth.






























































Comments