Forum for Men: Real Men Protect, Not Hurt — Empowering Men to Act Against VAWC
- Taytay, Rizal
- Dec 15, 2025
- 1 min read

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC), idinaos nitong Disyembre 11, 2025 ang "Forum for Men", isang talakayang nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa ng kalalakihan tungkol sa mga isyu ng karahasan.
Layunin ng programa na himayin ang mga responsibilidad ng mga lalaki bilang katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, pantay, at makataong komunidad, gayundin ang pagbibigay-diin sa mahahalagang hakbang upang maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan.
Courtesy: Mayor Allan De Leon and Taytay Public Information Office
Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office na dinaluhan ng mga VAWC Desk Officers ng bawat barangay, ang forum ay nagsilbing daan para hikayatin ang mga kalalakihan na maging advocates for change—mula sa pagbasag ng stereotypes hanggang sa aktibong pakikilahok sa mga adbokasiya laban sa VAWC.
Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, at ng ika-13 Sangguniang Bayan sa mga programang nagtataguyod ng karapatang pantao at proteksyon laban sa karahasan, bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa isang mapayapa at inklusibong bayan.




























































Comments