top of page

FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026

Oct 28
2 min read
FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026
Courtesy: Taytay AgriVet Office

LIPA CITY, BATANGAS --- Sa tatlong sunud-sunod na taon, muling pinarangalan ang FITS Center - Taytay, Rizal ang Pambayang Tanggapan ng Agrikultura at Beterinaryo ng Excellence Award sa ginanap na 10th Techno Gabay Program (TGP) Summit 2026 ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA ATI - CALABARZON) na ginanap sa Solano Hotel, Lipa City noong Oktubre 21-23, 2026.


Na may temang “Advancing Innovation, Tourism, Enterprise, Extension for Sustainable Agricultural Communities”, tampok sa programa ang paggawad ng Special Citations sa mga FITS Center mula sa iba’t ibang lalawigan para sa kanilang natatanging pagganap sa IEC Reproduction and Dissemination, ICT-based Extension Services, Technology Services, Innovation, CFIDP Implementation and Collaboration, at Most Improved FITS Center. Kinilala rin ang mga FITS Center na nagpakita ng malaking pag-unlad sa ilalim ng Rising Star FITS Center, gayundin ang mga lalawigang nakapagsumite ng kumpletong Annual Accomplishment Report (AAR).


Narito ang mga parangal na natanggap ng ating Municipal Agriculture Office ng ating Bayan:


FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026.
Courtesy: Taytay AgriVet Office

Excellence Award - For its exemplary performance and unwavering commitment as a Techno Gabay Program Implementer from October 2025 to September 2026, contributing significantly to the advancement of agricultural and fisheries extension services in CALABARZON.


Nakatanggap din ng tatlo pang iba’t ibang parangal ang FITS Center Taytay sa nasabing Summit:


FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026.
Courtesy: Taytay AgriVet Office

Top Performing FITS Center Social Media Page - In recognition of its outstanding social media performance in promoting agricultural information, technologies, and extension services while strengthening engagements with farmers and other stakeholders.


FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026
Courtesy: Taytay AgriVet Office

Special Citation in IEC Reproduction and Dissemination - For its outstanding efforts in producing, reproducing, and disseminating Information, Education, and Communication (IEC) materials, promoting wider access to agricultural knowledge, technologies, and best practices among farmers and local communities.


FITS Center Taytay Bags Awards at TGP Summit 2026
Courtesy: Taytay AgriVet Office

Special Citation in Technology Services - For its outstanding efforts in conducting technology-related activities, including trainings, demonstrations, exhibits, and information caravans, promoting technology adoption and strengthening agricultural extension services in local communities.


Ang mga parangal na ito ay naging posible dahil sa pakikiisa at suporta ng sektor ng agrikultura, pangingisda, paghahayupan, beterinaryo, at ng buong bayan ng Taytay.


Sa pamamagitan ng mga pagkilalang ito sa mga natatanging tagumpay at pagpapalakas ng ugnayan, inaasahang magsisilbi itong inspirasyon upang higit pang mapahusay ang mga serbisyo, mapalawak ang paggamit ng mga inobasyon, at maisulong ang pagpapaunlad ng mga pamayanang agrikultural sa rehiyon ng CALABARZON.

header-website.jpg
bottom of page