top of page

Elderly Filipino Week Highlights Senior Health and Wellness

Oct 19
1 min read
Taytay Joins Elderly Filipino Week Celebration 2026.
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal

Bilang pakikiisa sa nagdaang pagdiriwang ng 'Elderly Filipino Week' Celebration na may temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan,” matagumpay na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, katuwang ang Municipal Health Office (MHO) ng ating Pamahalaang Bayan ang Medical Mission para sa ating mga minamahal na senior citizens.


Layunin ng aktibidad na higit pang mapalakas ang pangangalaga sa kalusugan at kagalingan ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang serbisyong medikal.


  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal

Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal


Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA katuwang si Vice Mayor Jan Victor Cabitac at ang 13th Sangguniang Bayan, patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang malasakit at pagpapahalaga sa kapakanan ng ating mga nakatatanda, lalo na sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at pangkalahatang kagalingan.


Patuloy na isinusulong ng ating Pamahalaang Bayan ang Serbisyong May Ngiti tungo sa mas malusog at mas masayang pamumuhay para sa ating mga minamahal na lolo at lola.

header-website.jpg
bottom of page