Early Registration For The S.Y. 2022 - 2023



Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng early registration sa mga pampublikong paaralan para sa S.Y. 2022-2023, batay sa Memorandum No. 17, s. 2022.


Hinihikayat po namin ang lahat ng mga magulang at mag-aaral mula sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 na magpalista na mula March 25 hanggang April 30 ng taong kasalukuyan.

Courtesy: Mayor Joric Gacula

Kayo po ay maaring na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na pampublikong paaralan sa inyong lugar para sa early registration.


Samantala, para naman sa mga Grades 2-6, 8-10, at 12 na papasok, kayo po ay pre-registered na at hindi na kailangan pang mag early-registration.


Taytayeños, makapag-aral ay karapatan mo, magpalista na!

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts