top of page

DSWD Awards Seed Capital Fund to Sunrise SLP Association, Strengthening Local Livelihood Opportunities

Oct 20
1 min read
Paggawad ng DSWD's Seed Capital Fund para sa mga Benepisyaryo.
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal

Isang bagong oportunidad para sa mas matatag na kabuhayan ng mga Taytayeño!


Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Sunrise SLP Association ng ₱330,000 Seed Capital Fund sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na naglalayong makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga benepisyaryo.


Ang pondong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalago ng kabuhayan, pagpapalakas ng kakayahan ng samahan, at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga pamilyang Taytayeño.


Dumaan ang mga miyembro ng Sunrise SLP Association sa proseso ng programa, kabilang ang mga kinakailangang mga pagsasanay at assessment upang matiyak ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad at pagpapatuloy ng kanilang proyektong pangkabuhayan.


  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
  • Courtesy: Taytay Public Information Office
  • Courtesy: Taytay Public Information Office

Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal and Taytay Public Information Office


Nakiisa rin sa okasyon ang mga kinatawan ng DSWD-SLP Rizal na sina:


• Ms. Sarah Joy Tuano – Provincial Coordinator, SLP Rizal

• Mr. Randolf Victor – Provincial Partnership Officer, SLP Rizal

•Mr. Mugni Panalondong – Project Development Officer II

• Mr. Nikko Dela Cruz – Project Development Officer II

• Mr. Mike Estavo – Project Development Officer II

• Mr. Arjim Goyola – Project Development Officer II


Kasama ng DSWD sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, Councilors Joan Calderon, Patrick Alcantara, Carizza Cortez, at Michell Bermundo sa pagbibigay ng Seed Capital Fund sa mga benepisyaryo.


Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa DSWD SLP - Rizal, para sa kanilang paggabay, suporta, at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang programang ito.

header-website.jpg
bottom of page