Double Recognition In A Week



Nitong nakaraang linggo, iba't ibang karangalan ang natanggap at iginawad sa ating opisina at ng pamahalaang bayan para sa Taytayeños.


Ang ating Public Employment Service Office (PESO) sa pangangasiwa ni Ms. Gina Pineda ay ginawaran ng pagkilala bilang Best in Public Employment Information System (PEIS), Career Employment Advocacy (CEA), at Labor Market Information (LMI) sa buong CALABARZON Region.

Courtesy: Taytay Public Information Office

Dahil sa patuloy na pagsisikap ng naturang opisina na makapaglathala ng mga trabaho at oportunidad sa ating mga kababayan, marami na rin ang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng mga programa ng PESO Office - Taytay, at patuloy pang palalawigin ang paghahanap ng mga posibleng maging ka-partner na kompanya at negosyante upang mas madagdagan pa ang hanapbuhay na maiaalok sa ating mga kababayan.


Bukod sa PESO, ang ating pamahalaang bayan ay nakakamit ng tatlong (3) parangal sa ginanap na 9th Regional Competitiveness Summit – Class 1 to 2 Municipalities Category noong nakaraang taon.


Iginawad ito sa ating pamahalang bayan ang sertipiko ng pagkilala ng Regional Development Council (RDC) bilang CALABARZON Champion Awardee noong Marso 10, 2022 na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna. Dinaluhan ito ng ating Planning and Development Council Head Ms. Fatima Garcia, Enp.

Courtesy: Taytay Public Information Office

Ang pagkakasungkit natin sa Top 2 sa kategorya ng Economic Dynamism, at Infrastructure, at top 3 naman sa kategorya ng Resiliency ay bunga ng ating buong pusong paglilingkod at pagsusumikap na palaguhin pa ang ating ekonomiya.


Maraming salamat po sa bumubuo ng RDC para sa paggawad ng pagkilala sa ating bayan. Hindi po natin makakamit ang pagkilalang ito kundi dahil sa mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan na siyang katuwang natin sa paglilingkod at pagseserbisyo sa ating mga Taytayeños.


Para sa mga Taytayeños at para sa mas maunlad na Taytay, magpapatuloy ang ating tungkulin!

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts