Donation Drive For The Victims of Typhoon Odette


Screenshot Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa pagdaan ng Bagyong Odette sa ating bansa, nag-iwan ito ng malawakan at matinding pinsala sa bahagi ng Visayas at Mindanao. Maraming nawalan ng kabuhayan, tahanan, at maging mga mahal sa buhay. Hanggang sa ngayon, malaki pa rin ang kanilang pangangailangan sa pagkain at malinis na suplay ng tubig, ngunit hindi pa huli para tayo ay maghatid ng tulong.


Kaya naman bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta, magsasagawa ang ating Lokal na Pamahalaan ng 'Call For Donation Drive' para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette.

Courtesy: Taytay Public Information Office

Kami ay taos - pusong kumakatok sa inyong mabuting kalooban para sa in-kind donations gaya ng:

  • Bagong Damit

  • Bottled Water

  • Canned Goods

  • Noodles

  • Medicine Kit

  • Sanitary Kit

  • Blanket

  • Anumang tulong na nais ninyong ipahatid.

Ang anumang kaya at maaari ninyong i-donate, malaki man o maliit, ay malayo ang mararating. Makakaasa po kayo na ang lahat ng ito ay makakarating sa mga nasalanta ng bagyo.


Para sa mga nais mag-donate, maari niyo po itong dalhin sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), 2nd Floor Taytay Municipal Hall mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes at hanapin si Mr. Christopher Mariano, RSW.


Maraming salamat at pagpalain nawa ang mabuti ninyong kalooban.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts