top of page

Disaster Resilience and Basic Life Support Training

Courtesy: Poch Domingo / Taytay Command Center MDRRMO
Courtesy: Poch Domingo / Taytay Command Center MDRRMO

Dinaluhan ng mga kawani mula sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) kasama ang mga Peace and Order at mga Barangay Healthworkers ng Pamahalaang Barangay Sta.Ana ang Disaster Resilience and Basic Life Support (BLS) Training, na pinangunahan ng Sagip Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Training Team.


Layunin ng pagsasanay na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mamamayan sa pagtugon sa mga emerhensiya, lalo na sa mga sitwasyong maaaring mangyari bago, habang, o pagkatapos ng sakuna. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paraan ng pagbibigay ng paunang lunas, CPR, at iba pang life-saving techniques, mas nagiging handa ang bawat barangay na tumulong sa oras ng pangangailangan.



Courtesy: Poch Domingo / Taytay Command Center MDRRMO


Inaanyayahan po natin ang iba pang mga kumpanya, paaralan o organisasyon na magpaschedule na din ng ganitong mga libereng pagsasanay:


1) Basic First Aid with CPR and Disaster Resilience

2) Water Search and Rescue

3) High Angle Rope Rescue


Kamakailan, nagkaroon din ng ganitong pagsasanay para sa SM City Taytay. Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan din ng Sagip Taytay MDRRMO Training Team.


Taytay: Bayang Nakangiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page