top of page

DigiNanay: Digital Literacy Para Kay Nanay!

DigiNanay: Digital Literacy Para Kay Nanay!
Courtesy: SMILE I.T. Lab

Ginanap noong Oktubre 11 at 12, 2025 ang "DigiNanay: Digital Literacy Para Kay Nanay!", isang makabuluhang proyekto na matagumpay na naisakatuparan ng SMILE I.T. Lab Section katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) at Women’s Organization ng Barangay Sta. Ana. Ito ay ginanap sa Barangay Community Learning Center (BCLC) at SMILE I.T. Lab x SK Study Hub.


Ang programa ay nilahukan ng 30 na masisigasig na Nanay mula sa Lupang Arenda. Layunin nitong turuan at bigyang-kakayahan ang ating mga Nanay sa paggamit ng teknolohiya mula sa mobile devices at computers hanggang sa mga pangunahing online tools tulad ng e-mail, Google applications, online transactions, at digital communication.



Courtesy: SMILE I.T. Lab


Tinalakay sa ikalawang araw ng training ang tungkol sa cybersecurity at online safety, kung saan natutunan ng mga kalahok kung paano umiwas sa online scams, phishing, at iba pang cyber threats. Marami sa kanila ang nag-update ng passwords at privacy settings upang mas maprotektahan ang kanilang accounts, isang malaking hakbang tungo sa pagiging responsableng digital citizens.



Courtesy: SMILE I.T. Lab


Ang tagumpay ng proyektong ito ay patunay na kayang paliitin ang digital gap at palawakin ang digital empowerment sa ating mga komunidad.


Pasasalamat sa Pamahalaang Barangay Sta. Ana, Punong Barangay Jean Lalaine Calderon, UAP, Gender and Development (GAD) Focal Person Mr. Edrian Sencida, Sangguniang Kabataan - Sta. Ana, at SK Federation President Hon. Lucia Marie Alcantara, na naging mga katuwang sa matagumpay na implementasyon ng programa.


Masaya kaming maging bahagi ng proyektong ito para mas palakasin pa ang kakayahan ng mga kababaihan at mas mapalapit ang Taytay sa isang konektado at empowered na komunidad.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page