COVID - 19 Vaccination For Tourism Workers


Courtesy: Mayor Joric Gacula Facebook Page

Nagsagawa ng vaccination program para sa mga tourism worker ng bayan ng Taytay sa Renato's Place, Barangay Dolores sa pangunguna ng Department of Tourism. Dinaluhan ito ng Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer against COVID-19 Sec. Vince Dizon, Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, San Juan Vice Governor Junrey San Juan, 1st District Representative Congressman Jack Duavit at Taytay, Rizal Mayor George Ricardo Gacula II.

Sa tuloy-tuloy na pangangalampag ng ating punong bayan at ng pamahalaang lalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nini Ynares at sa tulong din Congressman Duavit ay dininig ng Department of Health (DOH) ang ating hiling na dagdagan ang supply ng bakuna sa buong lalawigan ng Rizal. Dahil dito ay posibleng maglaan ang naturang ahensya sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre ng 1 million doses ng Pfizer, Moderna at Aztra Zeneca vaccines sa ating lalawigan para sa malawakang vaccination program upang makamit ang 70% target immunization herd.

Photos Courtesy: Mayor Joric Gacula and Taytay Public Information Office Facebook Pages


Prayoridad din ng programang ito na pasiglahing muli ang turismo hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa. Sa paglilinaw na pahayag ni Sec. Puyat ay hindi limitado ang turismo sa mga pasyalan, hotel, at resort ngunit kabilang din dito ang mga kainan, lalung lalo na ang Tiangge na dinarayo at ipinagmamalaki sa ating bayan.


Dagdag pa rito, ayon kay Secretary. Galvez ay inaasahan din na mabakunahanan ang mga batang edad 12 hanggang 17 kung patuloy na dadagsa ang supply ng bakuna sa ating bansa. Ito ay makatutulong sa muling pag-unlad at pagbubukas ng ekonomiya sa ating bayan.


Video From CNN Philippines / Taytay Public Information Office Facebook Page


Sa pahayag ni Hon. Geroge Ricardo Gacula II ay matagal na ininda ng ating munisipalidad ang mababang supply ng bakuna sa ating bayan nung mga unang bahagi ng vaccination roll-out. Madalas limangdaan hanggang dalawang libong doses lang ay masaya na sya. Kaya naman isang magandang balitang dala ng IATF Vaccination Czar na maglalaan ang DOH ng 1 million doses para sa lalawigan ng Rizal.


Lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Taytay kaisa ang buong CALABARZON kina Cong. Jack Duavit at Gov. Ynares sa walang sawang pagtutok at paghiling na madagdagan ang supply ng bakuna sa ating lalawigan.


Titiyakin ng DOH ang pagtaas ng bilang ng vaccine roll-out sa ating lalawigan upang masigurong protektado ang mga mamamayan sa lumalalang sakit sa ating bansa. Pagdedesisyunan pa ng IATF ang pagpapaikli ng quarantine days para sa mga returning OFWs ngayong parating na kapaskuhan.

Recent Posts
Archive
Featured Posts