COVID -19 Advisory From Municipal Health Office


Courtesy: Taytay Public Information Office

Dr. Jeffrey Roxas, department head for Municipal Health Office - Taytay, Rizal, has released a message regarding the cases of the Delta variant that has detected in our municipality.


Below is the message from Dr. Roxas (in Tagalog Language):


Magandang gabi po sa ating lahat. Ipinababatid po ng ating Pamahalaang Bayan ang pagtatala ng apat (4) na Delta variant ng COVID-19 sa ating bayan. Ang mga nasabing pasyente na kinakitaan ng nasabing variant ay nasuri ng ating mga eksperto at ito ay ipinagbigay alam sa ating health office kagabi. Ang mga nasabing mga Taytayeños ay mabuti na ang mga kalagayan at nasabing ligtas na sa tiyak na kapahamakan. Ang contact tracing ay isinasagawa pa rin ng Municipal Health Office at ang kaukulang mga alituntunin at patakaran ay masusing isinasakatuparan ng ating mga doktor at nurse kabilang ang ating mga katuwang sa kalusugan. Ang Delta variant ay isang pagbabagong anyo ng coronavirus upang ito may makaligtas sa depensa ng ating katawan at ng ilang mga bakuna na nasa sirkulasyong pandaigdig. Ito po ay lubos na mas nakakahawa sa kanyang dating anyo. Ang nasabing mutated strain ay nakita sa bansang India. Atin pa rin pong hinihikayat ang lahat na magparehistro sa TaytayTrail at mangyaring maghintay ng kaukulang mensahe sa pamamagitan ng text para sa takdang petsa at oras ng inyong bakuna. Muli po pinaaalalahanan ang lahat na paigtingin ang ibayong pagiingat sa pamamagitan ng physical distancing, pagsusuot ng face mask/face shields, paghuhugas ng mga kamay, pagkain ng masusustansya, pag iwas sa mga matataong lugar at pananatili sa ating mga tahanan upang maiwasan ang perwisyo ng pandemya. Maraming salamat po.


We remind everyone to continue to follow the health safety protocols to avoid the spread of COVID-19.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts