COMELEC - Taytay VCM Roadshow


Courtesy: Taytay Public Information Office

Ngayon darating na eleksyon ay naghahanda na ang Commission On Elections (COMELEC) sa mga gagamiting Vote Counting Machines (VCM)s na ilalagay sa mga voting precincts sa ating munisipalidad, gayundin ang mga balota na gagamitin na sa ngayon ay patuloy ang paglimbag.


Nitong nakaraang Martes, Marso 8, nagkaroon ng VCM Roadshow ang naturang satellite office para matest ang accuracy ng mga makinang gagamitin.


Courtesy: Councilor Kyle Gacula and Taytay Public Information Office


Nasa naturang Roadshow sina PES Atty. Mitzele Veron L. Morales-Castro & EO's Rizal. Random lamang ang mga pangalan ng kandidato sa balota tulad ng "Juan dela Cruz" ang ginamit. Pinasubok ito sa ating mga emplayado kung saan sinubukan nila ang paglalagay ng sample ballot sa VCMs.


Saludo tayo sa COMELEC para sa initiative na ito para matiyak ang malinis at tapat na eleksyon.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts