top of page

Clean Up Operation After Heavy Rainfall

Clean Up Operation After Heavy Rainfall.
Courtesy: Dan Leycer Lara Cruz / Taytay Public Information Office

Matapos ang malakas na ulan dala ng habagat nitong nakaraang gabi ng Hulyo 8, 2025, agad na sinimulan ng General Services Office (GSO) - SMILE Sweepers ang clean-up operations sa ilang bahagi ng bayan.


Dahil sa nagdaang malakas na ulan ay nagkalat ang mga basura, lalo na sa paligid ng Lumang Palengke. Hindi nag-atubiling kumilos agad ang ating SMILE Sweepers ng Pamahalaang Bayan.



Courtesy: Dan Leycer Lara Cruz / Taytay Public Information Office


Dulot ng malakas na ulan ay nagkaroon ng mga pagbabaha sa ilang bahagi ng Rizal Avenue. Pagsikat ng araw ay agad nagsagawa ng paglilinis at clearing operation ang Engineering Department – Flood Control Section sa naturang lugar.



Courtesy: Engineering Office


Isang paalala po sa lahat: Panatilihin po natin ang kalinisan sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura. Iwasan ang pagtatapon sa mga estero, kanal, at drainage system upang hindi lumala ang pagbaha sa ating mga lansangan. Ang kalinisan at kaligtasan ay pananagutan ng bawat isa.


IIapon po natin ang basura sa tamang lalagyan at sama-sama tayong magtulungan para sa isang malinis at maayos na kapaligiran.





Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page