top of page

Ceremonial Launch ng Precast Plant and Turnover ng 4PH Housing Assistance.

  • Feb 18
  • 2 min read
Ceremonial launching ng Megawide Precast Technology Plant.
Courtesy: Presidential Communications Office

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ceremonial launching ng Megawide Precast Technology Plant dito sa ating bayan nitong Feburary 16, 2026.


Ang pasilidad, na nasa ilalim ng operasyon ng Megawide Corporation, ang mangunguna sa pagbuo ng mga precast housing components para sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (Expanded 4PH). Sa pamamagitan ng precast technology, inaasahang mapapabilis ang konstruksyon ng mga dekalidad at abot-kayang pabahay sa ilalim ng programa.


Pinangunahan din ng Pangulo ang ceremonial turnover ng housing assistance para sa mga benepisyaryo ng Expanded 4PH bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).



Courtesy: Presidential Communications Office and PIA CALABARZON


Maaring mapanood ang naturang pagbisita sa pamamagitan ng Recorded Live Video ng Presidential Communications Office.


Bukod sa seremonyal na turnover at paggawad sa mga benepisyaryo at stakeholders, nagsagawa rin si Pangulong Marcos, Jr. ng pagbisita sa naturang Pre-cast Plant upang obserbahan ang proseso ng produksyon at mga pangunahing lugar ng operasyon. Binisita rin niya ang Showroom area, kung saan siya ay tumanggap ng briefing hinggil sa UP-Rental Housing Project para sa mga estudyante, lalo na ang low-income households, at iba pang Expanded 4PH projects sa bansa.


Pagkatapos nito, ininspeksyon ng Pangulo ang ilang partikular na bahagi ng kumpletong model unit, na nagtatampok sa kalidad at mga napapanatiling katangian ng living space, kusina, banyo, at silid-tulugan.


Ang 'Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program' ay isang pautang para sa pabahay ng mga kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG Fund, na naglalayong mas mapadali at mas maging abot-kaya ang pabahay, lalo na para sa mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang probinsiya at siyudad.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page