Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon
- 5 days ago
- 1 min read

Ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Patuloy nating pahalagahan at pagyamanin ang ating sariling wika bilang sagisag ng ating pagkakakilanlan, kultura, at kasaysayan. Sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya at paggamit ng artipisyal na katalinuhan (AI), lalo nating pinagtitibay ang kahalagahan ng Wikang Filipino bilang mabisang kasangkapan sa pananaliksik, maayos na pagpapalitan ng kaalaman, at pagpapalawak ng impormasyon para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.
Sama-sama nating ipagmalaki ang ating wikang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino at nagsisilbing tulay tungo sa mas maunlad, makabago, at makabayang kinabukasan.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!












































Comments