Building Bridges Through Local Governance: LGU San Mateo's Benchmark Visit to LGU Taytay
- Apr 27
- 1 min read

Nagsagawa ng benchmarking activity sa Pamahalaang Bayan ng Taytay ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Lalawigan ng Rizal sa pangunguna nina San Mateo Chief of Staff, Public Information Officer at Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) Alumna Ms. Mixie Rivera; Senior Capital Project Manager at Project Management Office (PMO) Section Manager para sa isang U.S. Government Agency — County of Orange Waste & Recycling. Kasama rin sa benchmark visit sina YSEALI Alumna Ms. Graciela Felix, Councilor Noel Sta. Maria at mga kinatawan mula sa kanilang Engineering Department.
Ang nasabing pagbisita ay nakatuon sa pagtalakay ng proseso ng pagpaplano, implementasyon, at monitoring ng mga proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, partikular sa mga proyektong pang-imprastraktura at flood control. Ibinahagi rin ng Municipal Engineering Office sa pangunguna ni Municipal Engineer Rodel Gatapia ang mga hakbang mula sa project identification, technical evaluation, hanggang sa aktwal na pagpapatupad upang matiyak ang maayos, episyente, at napapanahong pagsasagawa ng mga proyekto.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Tinalakay din sa benchmarking activity ang mga mekanismo ng pagpopondo ng mga proyekto, kabilang ang paggamit ng local funds, national government support, at iba pang available na resources upang maisakatuparan ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.
Maraming salamat sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Lalawigan ng Rizal sa pagpili sa Bayan ng Taytay bilang inyong naging katuwang at modelo para sa benchmarking activity.
Patuloy po nating paiigtingin ang pagiging bukas at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng tapat, episyente, at serbisyong may ngiti para sa ating mga mamamayan.












































































Comments