Building Awareness, Inspiring Action: Gender Sensitivity Training for LGU Taytay Department Heads and Section Chiefs

TAYTAY, RIZAL --- Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at pagpapalakas ng gender-responsive governance sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, matagumpay na isinagawa ang dalawang araw na 'Gender Sensitivity Training (GST)' para sa mga Department Heads at Section Chiefs na kasapi ng Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) nitong Oktubre 26 - 27, 2026.
Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman at kakayahan sa pagsusulong ng gender equality, maging epektibo at sensitibo ang pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya, proyekto, at mga programang tumutugon sa pangangailangan ng lahat tungo sa isang mas gender-responsive na institusyon at serbisyong pampubliko.
Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office Courtesy: Taytay Gender and Development Office
Courtesy: Taytay Gender and Development Office
Pinangunahan ang pagsasanay ng panauhing tagapagsalita na si Mr. Renz Harry A. Toledo mula sa Regional Gender and Development Office - Department of the Interior and Local Government (GAD - DILG). Sa kanyang talakayan, ibinahagi niya ang mahahalagang konsepto at pananaw hinggil sa gender sensitivity, gender equality, at ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng inklusibo at makatarungang serbisyo para sa lahat.
Sa pamamagitan ng mga diskusyon at pagbabahagi ng mga mahuhusay na kasanayan, inaasahang mas mapalalakas ang kakayahan na isabuhay ang mga prinsipyo ng gender equality sa kani-kanilang mga opisina at tungkulin.
Sa pamumuno ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA at 13th Sangguniang Bayan, patuloy ang ating Pamahalaang Bayan na pinapalakas ang kakayahan ng ating mga kawani upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at mas maging gender-responsive ang mga programa at serbisyo ng ating bayan. At tiyakin ang pagkakaroon ng isang pamahalaang bukas, inklusibo, at may malasakit sa pangangailangan ng bawat mamamayan.



















