Bawal ang Open Muffler sa Bayan ng Taytay!
- Taytay, Rizal
- Jul 16
- 1 min read

Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 632 Series of 2019, ang "Cutting/Modifying at Open Muffler" ay mahigpit na ipinagbabawal sa Bayan ng Taytay.
Ang ating mga kawani mula sa Smile Traffic Action Group (STAG) katuwang ang Philippine National Police (PNP) - Taytay, Rizal ay patuloy na magbabantay sa ating mga lansangan upang sumita at ilapat ang nararapat na batas.

Posibleng pagmultahin ng hindi bababa sa P2,500.00 ang sinumang mahuhuli o lalabag sa ordinansang ito. Maaring mabisita ang kopya ng Municipal Ordinance No. 632 s 2019 sa link / PDF file na ito: ORD008-19.pdf
Kaugnay nito, meron ng memorandum circular na inilabas ang Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa 'Decible Level Meter (Exhaust Outlet)'. Maari bisitahin ang naturang memorandum circular sa link / PDF file na ito: MC-2020-2240.pdf

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.
Taytay: Bayang nakangiti at pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.






































Comments