top of page

Basic Incident Command System Level I Training

  • Mar 23
  • 1 min read

Updated: Mar 24

Basic Incident Command System Training
Courtesy: Taytay Public Information Office

Matagumpay na naidaos ang tatlong araw na 'Basic Incident Command System (ICS) Level I Training' kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang natutunan at lahat ay matagumpay na nakapasa sa isinagawang assessment. Ginanap ito nitong nakaraang Marso 17 -19, 2026 sa Grand Monaco Hotel.


Ang naturang pagsasanay ay dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng ating Pamahalaang Bayan, kabilang ang mga department heads at si Committee Chairperson for Disaster Risk Reduction and Management Honorable Councilor Kristofer Charls Esguerra, na patuloy na nangunguna sa pagpapatibay ng kahandaan ng ating bayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ang mga resource speakers na sina Mr. Noel Perez, OIC ng One Rescue Center; Mr. Lou Leonardo Suñer, APB-FBI; at Mr. Jerome Mateo, LDRRM Officer ng Morong, Rizal, kung saan tinalakay ang mga batayang konsepto at istruktura ng Incident Command System (ICS).


Sa kabuuan, pinagtibay ng pagsasanay na ito ang kakayahan ng ating mga frontliners at katuwang sa epektibong pamamahala, koordinasyon, at pagtugon sa anumang uri ng sakuna—isang mahalagang hakbang tungo sa isang Bayang Nakangiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.


Maraming salamat sa ating mga lecturers gayundin sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa matagumpay na naisagawa ang Basic Incident Command System (ICS) Level I Training..

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page