top of page

Basic First Aid and Hands-Only CPR Training

Basic First Aid and Hands-Only CPR Training
Courtesy: Taytay Public Information Office

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, isinagawa nitong Hulyo 16, 2025 ang Basic First Aid at Hands-Only CPR Training na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).


Dinaluhan ito ng mga emergency responders mula sa iba’t ibang organisasyon upang palalimin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa mga emergency situations. Layunin ng pagsasanay na patatagin pa ang kakayahan ng ating mga responders bilang unang sumasagip sa tuwing may sakuna o aksidente sa ating komunidad.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Tinalakay sa training ang tamang pamamaraan ng pagbibigay ng paunang lunas sa mga sugatan, mga emergency equipments at ang Hands-Only CPR — isang simple ngunit epektibong hakbang na maaaring makapagsalba ng buhay sa oras ng panganib.


Sa ilalim ng temang “Bantayog ng Katatagan: Pagtutulungan para sa Pamilyang Pilipino”, patuloy ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng isang Bayang Naka-ngiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page