Barangay Cleanliness Program


Courtesy: Taytay Public Information Office

Walang tigil ang programang pangkalinisan at pangkalikasan ng Pamahalaang Barangay Muzon sa pamumuno ni Kapitan at Liga ng Barangay (LNB) President Frank Luster Santos at Sangguniang Barangay.


Habang papalapit ang taginit at paghahanda sa biglaang mga pag-ulan, isinagawa ang waterways declogging sa iba't ibang purok, clean up drive at ang palit basura project upang mabawasan ang paglobo ng nakukukektang mga basura sa bawat kabahayan at upang maiwasan ang biglaang pagbaha sa komunidad.


Courtesy: Taytay Public Information Office


Ang mga recyclable items na nakuha ay maaring dalin sa material recovery facility upang mapalitan ng grocery items.


Lubos na pinasalamatan ni Kapitan Frank si Hon. George Ricardo Gacula II at kawani ng ating Municipal Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Ronaldo San Juan, Mr. Totie Curiano at Mr. Billy Cruz, gayundin sa Municipal General Services Office sa pamumuno ni Sir Vic Badaguas, at sa mga naging katuwang ng Barangay Environment Team sa mga programang pangkalinisan ng barangay.


Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts