top of page

Bangsarap ng Lutong Taytayeño: Filipino Food Month Celebration

  • May 4
  • 1 min read
Filipino Food Month Celebration Contest.
Courtesy: Taytay Public Information Office

Kamakailan, ibinida ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay dito sa ating bayan ang kani-kanilang bersyon ng mga lutuing tatak Pinoy, partikular ang mga lutong Taytayeño sa isinagawang Filipino Food Month Celebration Contest nitong Abril 30, 2026. Ang naturang patimpalak ay pinangunahan ng Municipal Nutrition Office, katuwang ang iba pang tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Ang patimpalak na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Food Month.


Layunin ng programa na palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pagpapanatili ng mga pagkaing Pilipino na bahagi ng ating pagkakakilanlan.



Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon


Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa pagluluto sa pamamagitan ng mga putaheng nagbigay-diin sa yaman ng tradisyon ng Taytay. Tampok ang mga pagkaing tulad ng Lauya, Binayabasan, at Lumpiang Jeprox—mga espesyal na putahe na sumasalamin sa kasaysayan, kultura, at panlasa ng ating komunidad. Ang bawat handog ay hindi lamang pagkain, kundi kwento ng pamilyang Taytayeño at ng kanilang pagmamahal sa sariling bayan.


Maraming salamat sa mga nakilahok at congratulations sa lahat ng nagwagi! Tunay ngang Bangsarap ng mga pagkaing Taytayeño—isang patunay na ang ating bayan ay mayaman hindi lamang sa talento, kundi sa kultura at tradisyon na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating pagkakaisa.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page