top of page

Bang Tamis ng Pasko sa Taytay: Grand Opening of Christmas Animated Display and Lighting Ceremony of YES! Christmas Tree

Updated: Nov 28


Bang Tamis ng Pasko sa Taytay: Grand Opening of Christmas Animated Display and Lighting Ceremony of YES! Christmas Tree
Courtesy: Taytay Public Information Office

“A beautiful sight, we’re happy tonight… Walking in a winter Candy Land”


Opisyal nang binuksan ang Christmas Animated Display at pagpapailaw ng YES! Christmas Tree nitong ika-24 ng Nobyembre 2025 kasama sina Governor Nina Ynares, Congressman Mia Ynares, Mayor Allan Martine De Leon,MPA, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at Sangguniang Bayan.


Kasabay din binuksan ang Night Market na bukas mula 7:00 PM - 12:00 MN na magbibigay ng dagdag na saya at kulay sa pagdiriwang sa pamamagitan ng masasarap na pagkain, lokal na produkto, at masiglang holiday stalls.


Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa pagningning ng YES! Christmas Tree na sumisimbolo sa pag-asa, pagkakaisa, at pangangalaga sa ating kalikasan, naging mas makabuluhan ang pagdiriwang na ito. Sa temang Candy Land Christmas ng ating Christmas Animated Display, tampok ang makukulay na dekorasyon, animated installations, at ilaw na sumisimbolo sa tamis ng pagkakaisa ngayong Kapaskuhan.


Matutunghayan ang regular na palabas ng Christmas Animated Display (mas kilala bilang Christmas On Display o COD) mula November 25, 2025 hanggang January 4, 2026. Sa mga nagpla-palanong pumasyal sa ating COD kasama ang pamilya at barkada, narito ang schedule ng ating Christmas Animated Display sa harap ng New Taytay Public Market:


1st Show - 6:00 PM

2nd Show - 6:45 PM

3rd Show - 7:30 PM

4th Show - 8:15 PM

5th Show - 9:00 PM

Last Show - 9:45 PM



Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon


After manood sa Christmas Animated Display na talaga namang nagpasaya sa ating holiday spirit, maaaring dumiretso sa gilid ng ating COD para mag-recharge at mabusog sa iba't-ibang street food finds at local delicacies!



Sa pagliwanag ng punong ito, pinapaalalahanan tayong ang diwa ng Pasko ay hindi lamang sa saya at dekorasyon—ito ay sa pagmamahalan, pagkakaisa, at pag-asa na hatid ng kapanganakan ni Hesus.


Tara na! Isama na ang buong pamilya at barkada at damhin ang ngiti, tamis, at tunay na diwa ng Pasko sa Bayan ng Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page