Back To School On New Normal Basis


Courtesy: Taytay Public Information Office

Dahil sa pandemya, natigil ang operasyon ng mga paaralan sa bansa. Lahat ng mga klase na pinasukan ng masisipag na estudyante ay ginanap online.


Ngayong March 28, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagbalik ang mga piling mag-aaral ng Manuel I. Santos Memorial National High School para sa kanilang limited face to face classes.


Bago ang mismong araw ng face to face classes ay nagkaroon ng School Safety Assessment para siguraduhin ang kaligtasan ng mga estudyante at mga empleyado ng paaralan.


Courtesy: Taytay Public Information Office / Mayor Joric Gacula


Bago ang pagsisimula ng face to face classes ay sinumulan ito ng karaniwang Flag Ceremony ng pamunuan at mga estuidyante ng naturang paaralan, at attendance checking ng mga advisory classes.


Masayang sinalubong ng mga guro at ng pamunuan ng paaralan ang mga piling mag-aaral. Sinigurado ang mahigpit na pagsunod ng safety health protocols upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa pagsisimula ng klase; At tuloy -tuloy ang obserbasyon para sa katagumpayan at pagpapabuti ng limited face-to-face classes ng paaralan


Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga kasamahan natin sa Department of Education (DepEd) - Taytay dahil sa kanilang masinsinang kooperasyon sa ating Pamahalaang Bayan para sa ligtas na pagbabalik eskwela ang ating mga kabataan.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts