"Ayuda Para sa Pamilya sa Panahon ng Pandemya"

This article is posted at the Taytay Public Information Office (In Tagalog Dialect):


Bumaba na po ang Financial Assistance o ayuda mula sa Pamahalaang Nasyunal nitong pagpapatupad ng extension ng Enhance Community Quarantine (ECQ).


Matapos ang komprehensibong pagpupulong at paghahandang gagawin ng buong Pamahalaang Bayan ng Taytay, napagkasunduan nang ilalabas natin ang listahan ng mga beneficiaries na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD.

Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2021 Courtesy: DSWD / Taytay PIO

Pinahahanda na po ang master payroll list ng ating MSWD Office pagkatapos ay ipo-post po dito sa Taytay Public Information Office at MSWDO - Taytay Facebook Pages para alam po ng ating nga kababayan ang schedule kung kailan ninyo kukunin ang ayuda sa ating mga itinakdang pay-out centers (selected public schools).


Bilang paglilinaw, para sa kaliwanagan at ikakapanatag ng kalooban ng ating mga kababayang Taytayeño. Ayon po sa Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2021 ukol sa pamamahagi ng ayuda: PRIORITY GROUP, nangangahulugan na sila po ang MAUUNA at SIGURADONG mabibigyan ng ayuda.


Heto po ang listahan:

1. SAP Benefeciaries sa ilalim ng Bayanihan Act 1 and Bayanihan 2 Act; 2. SAP Wait-listed beneficiaries; Magbibigay rin ang DSWD ng listahan ng mga indibidwal na kabilang dito at ang kabuuan naman ay para sa mga;

3. Vulnerable sectors gaya ng low-income individuals, PWD’s, Solo Parents, atbp. 4. Iba pang indibidwal na apektado ng ECQ.

At dahil po wala pa ang listahan ng nasa kategorya ng pang 3 at pang 4, hindi po natin pangangahasan na pangunahan ang advisory ng DSWD dahil tayo po ay sumusunod sa alituntunin at direktiba ng Pamahalaang Nasyunal.

Atin pong antabayanan ang anunsyo ng schedule ng release ng kumpletong master list ng beneficiaries sa Official Facebook Page ng MSWDO - Taytay.

Maraming Salamat po! Keep Safe Taytayeños!

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

FIRE

658-5772

HOSPITAL

571-4858

PNP

658-7267