Awarding of the Certificate of Titles


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Ang makasaysayang araw at pinakaaantay ng ating mga residente ay nangyari na. Matapos ang ilang dekadang pakikipagdayalogo sa loob ng iba't ibang mga administrasyon, abot-kamay na natin ang matagal na pangarap na minsan nating inakalang imposible. Hindi lang pangarap ng iilan ang ating natupad, kundi pati na rin ang pangarap at karapatan ng mga susunod na henerasyon.


Matapos ang tatlumpung taong pakikibaka ay napasakamay na ng mga taga - Lupang Arenda ang 41 Original Certificate of Titles ng kanilang lupa sa ginanap na Awarding nitong nakaraang March 4, 2022. Nagpaabot din ng karagdagang tulong mula sa ating butihing Senator Bong Go katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Courtesy: Mayor Joric Gacula


Ang ating Development Team at lahat ng bumubuo ng 11th Sangguniang Bayan ay taos-pusong pasasalamat sa lahat ng walang sawang nakipag-ugnayan at nag-alay ng dugo't pawis upang maisakatuparan ang pangarap nating ito. Sa pangunguna ni APOLA President Vicente Barlos at ni SAMATHOA President Lorna Placio.


Gayundin sa mga kapwa nating lingkod-bayan at kawani ng gobyerno na nakasama sa ating laban: kay Congressman Jack Duavit na kinatawan ni Bukal Ross Glenn Gongora, Rizal Provincial Governor Rebecca Ynares na kinatawan naman ni Vice Governor Reynaldo San Juan, kay PENRO – Rizal Mr. Ramil Limpiada, kay Registries of Deeds Chief Atty. Anthony Francis Andal; LLDA General Manager Jaime Medina; Usec. Benny Antiporda, PCUP Chairman & CEO Usec. Alvin Feliciano; DENR Secretary Hon. Jim Sampulna; DHSUD Secretary Hon. Eduardo Del Rosario, DENR – CALABARZON Mr. Red Nilo Tamonia; kay Senator Christopher Lawrence "Bong" Go, at sa ating Pangulong Rodrigo Duterte.



Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts