Assistance to Individuals in Crisis Situation Beneficiaries


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Matagumpay na naipamahagi ng ating pamahalaang bayan ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) nitong nakaraang Marso 29, 2022.


Dinaluhan ito ng ating Development Team sa pangunguna ni Mayor George Ricardo Gacula II kasama ang mga miyembro nito.

Courtesy: Mayor Joric Gacula


Nasa 585 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansiyal para sa kanilang pangkalusugan, pangkabuhayan, at iba pang pangangailangan ang naipamahagi; Dumalo rin si Senator Imee Marcos sa naganap na pamamahagi ng AICS sa ating bayan .


Maraming salamat po Senator Imee Marcos at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nagbigay daan para maisakatuparan natin ang payout na ito.


At para sa ating mga kababayan, nawa’y makatulong po sa inyong mga gastusin at pangangailangan ang inyong mga natanggap.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts