Kasalang Bayan 2026: May Ngiti at Pagmamahalan
- Taytay, Rizal
- Jan 20
- 1 min read

Kung hindi ka pa kasal hanggang ngayon, siguro it’s a sign.
Bilang bahagi ng selebrasyon sa darating na Hamba, Makina, at Kasuotan (HaMaKa) Festival 2026, inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ang 'Kasalang Bayan 2026: May Ngiti at Pagmamahalan". Inaanyayahan ang lahat ng magkasintahang Taytayeño na nagnanais gawing opisyal at makabuluhan ang kanilang pag-iisang dibdib na lumahok sa sabayang seremonyang ito na gaganapin sa Pebrero 13, 2026 (Biyernes) sa Taytay Kalayaan Park.
Ang programang ito ay bukas para sa mga kwalipikadong magkasintahan at layong bigyang-daan ang isang makahulugang pagsisimula ng buhay mag-asawa. Para sa registration, mangyaring magtungo sa Office of the Municipal Mayor (2nd Floor, Taytay Municipal Hall) upang makapagpalista sa Kasalang Bayan at hanapin si Ms. Kaye Geronimo.
Narito ang mga sumusunod na requirements na kinakailangan para maging bahagi ng Kasalang Bayan 2026.

Maari din bisitahin ang Google Link na ito sa detalye: https://tinyurl.com/5n74ec4h
Bukod sa mga nabanggit na requirements, narito ang iba pang detalye kung applicable o kinakailangang isumite:

Paalala: ang issuance ng Marriage License ay sa ika - 11 araw pagkatapos makumpleto ang 10 araw na posting period. Mahalagang makapag-sumite ng application form at mga kailangang dokumento ng mas maaga upang mapabilang sa Kasalang Bayan.
Para sa katanungan, maaaring sumangguni sa Office of the Municipal Mayor o tumawag sa 0918 574 4976. Maaari ring makipag-ugnayan sa Local Civil Registry (LCR) Office (4th Floor, Taytay Municipal Hall) para sa mga kinakailangang dokumento at forms.
Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang makasaysayang araw ng pag-ibig at panghabambuhay na pangako ng ngiti at pagmamahalan.








































Comments