Araw ng mga Bayani 2026: Pagpupugay sa Kabayanihan ng Sambayanang Pilipino

Bulaklak, panalangin, at pagsaludo ang inialay ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, kasama ang Taytay PNP at Veterans Federation of the Philippines Sons and Daughters Association, Inc., bilang pagpupugay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan, dangal, at kinabukasan ng sambayanang Pilipino sa nagdaang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani 2026.
Sa harap ng mga bantayog ng ating mga bayani, muling ipinahayag na ang pagkilala sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa watawat, bayan, at kalayaan. Nagsilbi itong paalala na ang kabayanihan ay hindi lamang nakasulat sa mga pahina ng kasaysayan, kundi patuloy na isinasabuhay ng bawat mamamayan sa araw-araw na paglilingkod at pagmamahal sa bayan.
Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office
Ang diwa ng kabayanihan ay nananatiling buhay — sa mga guro, manggagawa, kawani, at kabataan na patuloy na nagsisikap para sa kaunlaran ng komunidad. Ang tunay na kabayanihan ay hindi lamang inaalala, ito ay isinasabuhay sa pamamagitan ng malasakit, disiplina, at pagtutulungan.
Ang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay hindi lamang isang seremonya ng pag-alala, kundi isang panawagan sa lahat na ipagpatuloy ang mga adhikain ng mga bayani—ang pagtatanggol sa kalayaan, ang paggalang sa dangal ng bawat Pilipino, at ang pagbuo ng mas maunlad na kinabukasan para sa bayan.
Maligayang Araw ng mga Bayani!















































Comments