Cainta - Taytay Rehabilitation, Restoration, and Revitalization Program
- May 7
- 1 min read

Kamakailan, inilunsad ang Cainta - Taytay Rehabilitation, Restoration, and Revitalization Program bilang bahagi ng ating patuloy na pagkilos upang mapangalagaan, malinisan, at patuloy na maibalik ang sigla ng ating mga daluyan ng tubig. Sa pamamagitan nito, layunin na masiguro ang mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na kapaligiran para sa bawat Taytayeño. Ang naturang programa ay ginanap sa Janssenville Covered Court, Cainta, Rizal nitong Mayo 7, 2026.
Kasama rin sa programa ang mas malawak na community engagement at pagbubukas ng mga livelihood opportunities, upang ang pangangalaga sa kalikasan ay maging sama-samang responsibilidad at oportunidad para sa ating mga kababayan.
Courtesy: Mayor Allan De Leon
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang ceremonial signing ng Pledge of Commitment bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga kalahok at katuwang na ahensya sa pagsusulong ng rehabilitasyon at revitalization ng mga daluyan ng tubig.
Kabilang din dito ang massive river clean-up operations, mahigpit na pagpapatupad ng solid waste management, community-based environmental programs, at pakikipagtulungan sa mga LGU, volunteers, at iba’t ibang sektor.
Kasama sa partnership na ito sina Congresswoman Mia Ynares, Pamahalaang Bayan ng Cainta, Rizal, Department of Environment and Natural Resources (DENR), iba pang national agencies, NGOs, at mga volunteers.
Patuloy nating isusulong ang mga programang magpoprotekta sa ating mga daluyan ng tubig.










































































Comments