Advisory for 2026 Real Property Tax Payment
- Taytay, Rizal
- Oct 29
- 2 min read

Taytayeños! Magbayad na ng inyong Amilyar (Real Property Tax) bago mag December 31, 2025 at makakuha ng 20% 𝗗iscount para sa advance full payment para sa taong 2026.

Narito ang mga dokumento na kailangang dalin sa pagbabayad:
1. Kopya ng kasalukuyang Tax Declaration mula sa Assessor’s Office.
2. Pinakabagong original tax receipt ng inyong updated Real Property Tax payment. Kung walang dalang kopya ng tax receipt, maaari kayong lumapit sa ating Treasury Office na matatagpuan sa 2nd Floor, Taytay Municipal Hall upang makuha ang computation o Notice of Tax Assessment.
Paano ito bayaran? Narito ang mga paraan at hakbang sa pagbabayad:

Step 1: Pumunta sa Assessor’s Office (Windows A & E) para sa validation ng Tax Declaration.
Step 2: Pagkatapos ng validation, magtungo sa Treasury Office (Windows 2, 3 o 4) para kunin ang Order of Payment.
Step 3: Bayaran ang kabuuang halagang nakasaad sa Order of Payment.
Paalala: ang naturang diskwento ay para lamang sa advance full payment ng 2026 Real Property Tax, kung walang naiwang bayarin mula sa mga nakaraang taon.
Pwede rin magbayad ng inyong RPTs online. Bumisita sa ating Taytay Online Payment Portal o magscan sa pamamagitan ng QR Code sa itaas. Narito ang mga hakbang sa paggamit ng ating Online Payment Portal:
Steps 1-4:

Steps 6-8:

Tax Amnesty on Real Property Tax (RPT)
Sa bisa ng Republic Act (RA) No. 12001 o mas kilala bilang 'Real Property Valuation and Assessment Reform Act', at Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 27 s. 2024, magkakaroon ng "Tax Amnesty' — o pag-aalis ng penalties sa mga hindi nabayarang amilyar bago ipinatupad ang ordinansa.
Hindi Kasama sa Tax Amnesty ang mga sumusunod:
Mga naibentang delinquent properties sa public auction
Mga delinquent properties na may compromise agreement
Mga real properties na may pending cases sa korte
Para sa klaripiskayon at impormasyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na opisina:
Treasury Office: 8 284 4715 / 4717 / 4709
Assessor’s Office: 8 284 4708 / 8 5371100






































Comments