Adoption Forum 2025
- Taytay, Rizal
- Jul 10
- 1 min read

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng ating Pamahalaang Bayan katuwang ang National Authority for Child Care (NACC) ang matagumpay na pagsasagawa ng 2025 Adoption Forum kaugnay ng Republic Act (R.A.) No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act”, nitong Hulyo 10, 2025.
Na may temang “Hope and Home for Every Child”, layunin ng forum na palalimin ang kamalayan ng publiko hinggil sa makabagong proseso ng legal na pag-aampon sa ilalim ng R.A. 11642. Kabilang sa mga tinalakay ang mga repormang ipinatupad upang maging mas mabilis, mura, at accessible ang adoption process, at kung paano nito natutugunan ang pangangailangan ng mga batang walang tahanan o magulang.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Dumalo sa forum ang iba't ibang kinatawan mula sa mga Barangay at ibang kawani ng ating Pamahalaang Bayan. Nagkaroon din ng open forum kung saan sinagot ng mga tagapagsalita mula sa NACC ang mga katanungan ng publiko hinggil sa proseso ng pag-aampon at iba pang alternatibong pangangalaga sa mga bata.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang adbokasiyang magkaroon ng “bawat bata ng isang tahanan na may pagmamahal”, isang hakbang patungo sa mas inklusibo at makataong lipunan.






























































Comments