A Jab Well Done: Taytay As Golden Jab Awardee


Courtesy: Taytay Public Information Office

Ginawaran ng Department of Health (DOH) - CALABARZON ang ating bayan ng Golden Jab Award at Plaque of Appreciation para sa unang dalawang araw ng National Vaccination Days nitong nakaraang taon.


Hindi natin makakamit ang lahat ng ito kundi dahil sa ating mga masisipag na healthcare workers, frontliners, at vaccination team, lalong higit sa ating mga kababayan na patuloy na nakikibahagi at nakiisa sa ating vaccination program.

Courtesy: Mayor Joric Gacula and Taytay Public Information Office


Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office ng ating pamahalaang bayan sa pangangasiwa ni Dr. Jeffrey Roxas ay nagtala ng pinakamataas na bilang ng binakunahang mga kababayang Taytayeño sa nasabing vaccination drive sa buong Lalawigan ng Rizal.


Mula sa aming Pamahalaang Bayan at sa lahat ng Taytayeños, maraming salamat po Department of Health sa pagkilalang ito. Tuloy ang ating pagbabayanihan at pagtangkilik sa mga programa tungo sa ligtas na new normal.


Ang tagumpay pong ito ay tagumpay ng bawat Taytayeño.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts