top of page

3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill

  • Sep 12, 2025
  • 1 min read
3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng ating Pamahalaang Bayan ang isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong Septyembre 11, 2025 kung saan ay aktibong nakilahok ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.



Courtesy: Taytay Public Infomation Office


Layunin ng naturang aktibidad na sanayin hindi lang ang mga kawani kundi ang bawat isa sa tamang pagtugon at wastong hakbang sa oras ng lindol, kabilang na ang duck, cover, and hold, mabilis na evacuation, at pagtitipon sa mga itinalagang evacuation areas.


Nawa’y magsilbi itong paalala na ang kaligtasan ay nakasalalay sa ating kahandaan, at ang ating pakikiisa ay daan tungo sa mas ligtas na komunidad. Sama-sama tayong maging handa para sa buhay at kinabukasang ating pinapahalagahan.


Taytay: Bayang Naka-ngiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page