top of page

3rd CALABARZON Barangay Nutrition Scholars Congress

Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Mahigit 5,000 Barangay Nutrition Scholars mula sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON Region ang lumahok sa Barangay Nutrition Scholars (BNS) na inorganisa ng National Nutrition Council (NNC) CALABARZON sa Lipa City, Batangas nitong nakaraang Oktubre 17, 2025. Dinaluhan din ito ng Nutrition Office ng ating Pamahalaang Bayan, kasama ang ating mga Barangay Nutrition Scholars.


Layunin ng naturang Congress na paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga Barangay Nutrition Scholars sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa kani-kanilang mga komunidad.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa pamamagitan ng mga makabuluhang paksa at talakayan, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na matuto ng mga bagong pamamaraan sa pagsugpo sa malnutrisyon at pagpapalakas ng kampanya para sa wastong nutrisyon sa buong rehiyon ng CALABARZON.


Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa mga inisyatibo tulad nito na naglalayong mapaunlad ang kalusugan ng bawat Taytayeño sa pamamagitan ng mga dedikadong BNS na nagsisilbing katuwang sa mga programang pang-nutrisyon sa mga barangay.





Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page