30th Police Community Relations Month Kick-Off Ceremony
- Taytay, Rizal
- Jul 2
- 1 min read

Pinangunahan ng Taytay Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Marlo Solero ang Kick-off Ceremony ng 30th Police Community Relations (PCR) Month nitong nakaraang Hulyo 1, 2025, na ginanap sa Taytay Municipal Hall.
Sa nasabing programa, ginawaran ng pagkilala ang mga natatanging indibidwal at community partners na katuwang ng ating kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa ating bayan. Ang mga awardee ay kinilala dahil sa kanilang di-matatawarang kontribusyon sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na komunidad.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Dinaluhan ang pagdiriwang nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan na sina Councilor Joan Calderon, Councilor JV Valera, Councilor Cai Cortez, at Councilor Kiko Esguerra, Kapitan Lengjoey Calderon, U.A.P, Kapitan Bugloy Cruz at Kapitan Inye Pacleb. Ipinakita nila ang kanilang buong suporta sa adhikain ng PNP na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.
Ipinahayag ni Mayor Allan ang buong suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga programa ng Taytay PNP. Aniya, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat sektor upang makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa bayan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Police Community Relations bilang tulay ng tiwala at pagkakaisa ng kapulisan at komunidad.
Tuloy-tuloy lang tayo para sa isang Bayang Naka-ngiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.
Comments