2027 Real Property Tax Early Bird Discount: Magbayad Nang Maaga at Makakuha ng 20% Discount
Updated: 21 hours ago

Taytayeños! Magbayad na ng inyong Amilyar (Real Property Tax) bago mag - Disyembre 31, 2026 at makakuha ng 20% Discount para sa advance full payment ng 2027!
Paalala: Ang naturang diskwento ay para lamang sa advance full payment ng 2027 Real Property Tax, kung walang naiwang bayarin mula sa mga nakaraang taon.

Ano ang mga kailangan na dokumento? Narito ang mga kailangang dokumento sa pagproseso ng inyong RPT:
Kopya ng kasalukuyang Tax Declaration mula sa Assessor’s Office
Pinakabagong original tax receipt ng inyong updated Real Property Tax payment. (Kung walang dalang kopya ng tax receipt, maaari kayong lumapit sa Treasury Office, 2nd Floor, Taytay Municipal Hall upang makuha ang computation o Notice of Tax Assessment.)
Ano naman ang mga hakbang sa pagbabayad ng advance payment para sa RPT? Narito naman ang mga hakbang sa pagbabayad:
Step 1: Pumunta sa Assessor’s Office (Windows A & E) para sa validation ng Tax Declaration.
Step 2: Pagkatapos ng validation, magtungo sa Treasury Office (Windows 2, 3 o 4) para kunin ang Order of Payment.
Step 3: Bayaran ang kabuuang halagang nakasaad sa Order of Payment.
Pwede rin magbayad ng inyong amilyar online sa https://online.taytayrizal.gov.ph/Taytay/OnlineServices/
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Treasury Office sa numerong 8 284 4717 / 4709, o Assessor’s Office sa 8 284 4708.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magbayad na o gamitin ang opisyal na online payment portal bago mag-Disyembre 31, 2026 upang makuha ang inyong 20% discount.



















