top of page

2025 State of the Children's Address

Updated: Dec 18, 2025

2025 State of the Children's Address
Courtesy: Mayor Allan De Leon

Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, matagumpay na isinagawa ang State of the Children's Address nitong nakaraang Disyembre 11, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Children's Month. Layunin ng programang ito na bigyang-pansin at pakinggan ang boses ng mga bata—sapagkat ang kanilang karanasan, pangangailangan, at pangarap ang tunay na sukatan ng kaunlaran ng isang komunidad.


Dumalo at nagbigay ng mensahe ng suporta sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan at Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza, MPA.Tinalakay sa naturang pagtitipon ang kalagayan ng mga bata sa larangan ng edukasyon—mga bagong pasilidad para sa mga mag-aaral, kalusugan, at proteksyon.



Courtesy: Mayor Allan De Leon


Mas pinalakas ang boses ng kabataan—isang espasyong nakikinig, kumikilala, at kumikilos para sa kanilang mga pangarap, pangangailangan, at karapatan. Dito, ang kabataan ay hindi lang tagapakinig, kundi kasama sa paghubog ng mas inklusibo, ligtas, at masayang environment.


Patuloy tayong magtulungan upang mapangalagaan ang kanilang karapatan at tiyaking may mas nakangiting na kinabukasan silang haharapin. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na tunay na Child-Friendly.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page