Ligtas Tigdas

Thursday, February 14, 2019

Para sa Kaalaman ng nakararami:

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong February 7, 2019 na ang measles (tigdas) outbreak ay kumalat na sa National Capital Region (NCR) at sa marami pang lugar sa Luzon at Visayas.

 

Sa tala ng DOH, nagkaroon ng 441 kaso ng tigdas at limang kaso ng pagkamatay sa NCR nitong January lamang. Ngunit ayun sa mga news reports halos 1,240 kaso na ng measles ang na-admit sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila, at 55 pasyente na may tigdas ang namatay na. Karamihan sa mga namatay ay mga batang may edad 3 buwan hanggang 4 na taong gulang.

 

Sa isang press conference, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque ang mga datos, ayun sa ABS-CBN News. "Marami ring pinanggalingan itong mga datos, we need to validate them. Hindi naman puwedeng kung ano lang ang bilang na pumapasok, iyun na ang ating ibubukang bibig."

 

Sa panayam ng SmartParenting.com.ph kay Jay Ron O. Padua, FPPS, DPIDSP, isang pediatric infectious disease specialist mula sa San Lazaro Hospital, higit na sa isang libong kaso ang natanggap ng ospital nitong January. Sa mga namatay, marami ay sanhi ng komplikasyon ng pneumonia.

 

reference: https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/measles-tigdas-gamot-sintomas-bakuna-a1155-20190210-lfrm

 

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Recent Posts

April 15, 2019

Please reload

Archive
Please reload

Featured Posts

Penalty Condonation Program

May 31, 2019

1/50
Please reload

Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
transparency seal.JPG